Thursday, March 12, 2015

Komposisyon

Komposisyon ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon. 


Halimbawa ng komposisyon


Epekto sa Industriya ng "Pirated CD"
Devin Esconde

       Bilang isang mamimili alam ba natin ang pweding maging epekto sa atin ng ating mga kinagigiliwang mumurahing bilihin? alam ba natin ito kung saan ito nanggalaing o sino - sino ang nasa likod ng mga produktong ito? hindi ba natin naisip kung sino ang tunay na biktima nito, tayo ba na bumibili o sila na nagbibinta? Nabiktima kana ba? oh... ikaw yung nangbibiktima?

         Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging matipid sa lahat ng bagay kaya minsan hindi na natin lubos maisip na ito pala ay nakakaapekto na sa ating buhay. Lubos tayong nasilaw sa mga bagay na kaakit - akit at alam nating kayang - kaya natin itong bilhin sa mumurahing halaga. tulad na lamang ng "Pirated CD' na bumabaha sa bangketa, kung saan nakakaakit sa mata nating mga Pilipino dahil sa lugod nating pagiging mahilig sa panunuod ng mga samut saring pelikula na nakapag - indak ng ating puso. ngunit sa likod ng lahat ng yon naisip ba natin kung ito ay lubos na nakatutulong sa atin? Marahil kaugalian na nating mga Pilipino ang pagiging marupok sa ganyang mga bagay kaya hindi natin naisip ng lubos kung ito ba ay talagang nakakatulong sa atin o hindi.

          Bilang mag -aaral hinihikayat kong mabuksan ang isipan ng mga mambabasa upang lubos nating maunawaan ang kahalagahan ng isang bagay kung ito ba ay nakakatulong sa atin o hindi. At lagi nating isa alang - alang na huwag tayong padadala sa anumang makikita nating kaakit - akit sa ating mga mata at matuto tayong magpahalaga sa mga bagay na lubos na makakatulong sa atin at huwag natin hayaang mabiktima sa mga bagay na nakasisilaw sa ating mga mata.



"Ang Epekto ng Politika sa pagsulong ng kabuhayan sa bansa"
Inie leal
    
            Politika isang grupo na binibuo ng matataas na tao sa bansa. Mga taong maganda ang plataporma kapag nangangampanya. Ngunit kapag sila'y nakaupo na sa posisyon lahat ng sinabi nila ay ni isa walang ipinatupad. Siguro'y may mga politikong mabubuti rin naman ngunit karamihan dito'y sakim sa pera. Walang iniisip kundi ang kasikatan at ang kayamanan. Hindi nila alam may mga taong nahihirapan. Isa na dito ang mga mahihirap. Boto ng mahihirap ang nagpapa - upo sa kanila sa trono, pero bakit pagdating ng panaho'y hindi binalikan ang mga ito? Pinangakong kabuhayan sa mahihirap ay hanging nawala. Mga opisyal na sobrang mayayabang, nasa mataas lang parang sino nang mga Santo ang mga ito. May positibo at negatibo ang epekto ng politika sa kabuhayan ng mga tao sa bansa. Negatibo, dahil sa mga sakim na mga politiko, ang pera'y dapat na sa mahihirap ay napupunta sa bulsa ng mga ito .Pondo para sa mahihirap ay nawala na lamang na parang bula. Dahil sa politika'y nagigipit ang Pilipinas. Utang dito, utang doon. Ngunit may positibong epekto din ang politika sa bansa, dahil sa politika may iilang Pilipino din ang nabigyan ng negosyo upang kanilang pagkakitaan. May mga establisyemento ring napatayo ang mga ito. Nang dahil din dito ang mga tao'y nabibigyan ng sapat na pinagkukunan sa araw - araw na kagamitan o pagkain. Natutulungan ang mga taong mabigyang pansin ang kanilang kabuhayan. para sa akin ang politika'y may sapat na kahalagahan upang mabigyang kabuhayan ang bawat pamilya sa bansa.


Epekto ng Industriya ng "Pirated CD"
Janine Gonzales

                Laganap na sa ating bansa ang pagbibinta ng "Pirated CD" na kahit saang bangketa ay matatagpuan mo ito. At patuloy na tinatangkilik ng mga mamimili sapagkat ito ay mura. Sa ilang barya lang ay mapapanood mo na ang bagong pelikula at album ng ini - idolo mong artista. Kaya gayon nalang ang pagtangkilik ng mga mahihirap na mamamayan dito. Oo nga bakit nga naman gagastos ng malaki kung mayroon namang mas mura. Kaya kahit ano mang pag pigil ng mga nasa taas na kinauukulan ay patuloy pa rin ang operasyon sa pag - gawa ng "Pirated CD". At kahit na ilang ulit ang pag dakip sa mga nagbebenta at gumagawa nito ay walang takot silang bumabalik at ipinagpapatuloy ang produksyon nito. Ngunit walang sawa ring hinuhuli ng mga kinau - uukulan ang mga produkto nito sapagkat hindi tama na ibenta sa maliit na halaga lang ang mga pelikula dahil ang bawat laman ng isang CD ay pinaghirapan at pinagpawisan ng mga gumawa nito kaya dapat lang na bayaran sa tamang presyo. Dahil kahit na pinapanood natin ang pelikula ng ating mga idolo gamit ang "Pirated CD" ay imbis na pagsuporta ang tawag rito ay nakakasama dahil hindi natin nabayaran sa tamang presyo.


"Ang Epekto ng Politika sa pagsulong ng kabuhayan ng bansa"
Alijah Nava

                   "Ang Politika ay napakarumi". Ang mga salitang ito ay ang kadalasan nating naririnig sa ating paligid. Sabi nila ang politika ang puno't dulo ng mga alitan, krimen at kahirapan ng isang bansa. Ito daw ang nag sislibing tahanan ng mga taong gahaman sa pera't kapangyarihan. Nagiging takbuhan din ito ng mga taong uhaw sa popularidad at nagnanais yumaman. Ikaw, sumasang-ayon kaba na marumi ang Politika?
                  Politika ang siyang may  responsibilidad sa pagsulong ng isang bansa. Dahil dito nakasalalay ang mga proyekto, transaksiyon at lahat ng mga plano ng bansa. Dito rin nakasalalay ang lagay ng ating ekonomiya. Pero, minsan ba naisip niyo na tayo rin ang may kagagawan kung bakit naghihirap tayo. Sa pamamagitan ng pagluklok natin sa pwesto ng mga taong hindi karapat dapat, ang ating bansa ay naghihirap. Hindi ako naniniwala na ang Politika ay marumi dahil sa aking pananaw ang mga tao sa Politika  ang siyang nagpaparumi nito. Dahil sa kanilang illegal na gawain ang atig bansa ang naghihirap at sil;a ang yumayaman. Huwag na nating hayaan na lalo pang lumala ang kalagayan ng ating bansa.
                 Sa  darating na eleksyon ay maging tapat tayo. Huwag nating hayaan ilagay sa pwesto ang taong hindi dapat. Matuto tayong  manindigan  para sa ating bayan at tulong-tulong tayo na puksain ang korapsyon sa Politika. Ikaw, ako, tayo ang susi sa pagbabago. Tinatanggap mo ba ang hamong ito?



No comments:

Post a Comment